Babylon


http://menkissingmen.tumblr.com/
Kuwento ito nina Jepoy at Zander. Si Jepoy ay 15 years na mas matanda kay Zander, parehong may trabaho, ngunit bihira lamang magkita sa isang taon dahil isang OFW si Zander.

Una silang nagkakilala sa #salsalan channel ng MIRC. Nagkayayaan na magkita sa isang fastfood sa CCP, at natuloy ng inuman sa Pier One.  Puno ng kuwentuhan tungkol sa kanilang mga trabaho at sexperiences ang nangyari habang umiinom ng smb light. Madaling araw na at nagyaya si Zander na magcheck-in sila sa isang motel sa malate. Ito ang simula ng kanilang pagkakaibigan. Walang relasyon, dahil hindi komportable sa ganitong sitwasyon si Jepoy kahit na nag-suggest si Zander na sila na.

Tuwing umuuwi si Zander, laging nagkikita ang dalawa. Walang pressure dahil wala naman talagang namamagitan sa kanila. Ang tuwing pagkikita ay humahantong din sa sex. Kapag nagkikita sila, nakagawian na nila na magshare ng kanila mga sexcapadaes, lalo na ang mga naka sex ni Zander sa ibang bansa. Maingat naman si Zander sa mga nakasex nito. Naging ganito ang pakikitungo ng dalawa sa loob ng dalawang taon.

Taong 2010, buwan ng Nobyembre ng magyaya si Jepoy na magbakasyon silang dalawa sa Bangkok. Masaya si Zander dahil pagkakataon niya na rin na makitang muli ang kanyang lover na Thai na nakilala niya sa manjam. Bumili pa ito ng mamon sa Goldilocks dahil paborito daw ito ng lover niya.

Pag dating sa Bangkok, tumuloy sila sa isang hotel sa Silom area. Pagkarating sa kanilang room, nagyaya si Jepoy na magsex sila. Hindi naman nakahindi si Zander. Matapos nun, sinubukan na ni Zander na kontakin ang kanyang lover, ngunit hindi ito sumasagot. Alam ng lover nito na darating siya ng Bangkok dahil nagchat sila bago ang biyahe. Nabanggit din ni Zander na kasama niya ang kanyang buddy.

Bandang gabi, gumimik ang dalawa sa SIlom. Nanood ng show sa kilalang gaybar, nagcofee sa starbucks, at nag-enjoy sa nightlife ng Bangkok. Nag-aantay pa rin ng reply si Zander, ngunit walang sagot galing sa kanyang lover.

Kinabukasan, nakatanggap ng text message si Zander galing sa kanyang lover at sinabing wala ito sa Bangkok kaya’t hindi siya pwedeng makipagkita kay Zander. Dagdag pa nito na kalimutan na niya ang kanilang relasyon dahil mayron na itong bagong boyfriend na isang French. Hindi makapaniwala si Zander, nalulungkot man ngunit hindi niya ito pinahalata. Panay naman ang pang-aasar sa kanya ni Jepoy. Pilit na inaliw si Zander sa pang-aasar. Habang nasa loob ng taxi papuntang Chinatown at parehong nakaupo sa likuran, biglang hinawakan ni Zander ang kamay ni Jepoy.  Tumingin si Jepoy kay Zander.  Halata ang kalungkutan, at pilit na nilalabanan ang nararamdaman.

Third day, lumipat sina Jepoy at Zander ng ibang hotel bandang Sathorn. Isang hotel na may sariling sauna at kalalakihan lamang ang tinatanggap. Pagpasok sa lobby, may nakasalubong sila na isang matipuno at guwapong Japanese na guest din sa hotel at may kasamang dyowang bading na isa ring Jap. Masayang nagkuwento si Zander na kinindatan daw siya ng guwapong Jap.   

Kinagabihan, nagbabad sa sauna area ang dalawa. Isang cruising area ang sauna. Maraming foreigners, iba’t-iba ang nationalities. May nagsesex sa shower, ngunit mas marami ang tumatambay sa loob mismo ng sauna kung saan walang ilaw, at naghahanap ng makakasex. Matapos ang isang oras, uminom muna ng beer ang dalawa sa bar at sandaling nagpaalam si Zander na pumunta sa kanilang barracks (rooms ngunit common ang shower at CR areas) upang kunin ang kanyang cellphone. Mga kalahating oras din bago nakabalik si Zander. Yun pala, nagkita sila ng matipunong Jap at niyaya siya nitong magchupan sa loob ng cubicle ng CR kasama ang isa pang foreigner. Naudlot laman ito nang marinig ng matipunong Jap ang boses ng kanyang dyowa na kanina pa naghahanap sa kanya. Nakakatawang kwento pero may ibang nararamdaman si Jepoy sa sarili na hindi niya rin maintindihan.

Matapos ang sauna, bumalik na sa kanilang barracks sina Jepoy at Zander at tumambay muna sa may exit area upang mag-yosi. Tuwang-tuwa si Zander nang mapansin ang matipunong Jap na nakatambay rin sa exit area sa upper floor. Nagpaalam ito kay Jepoy at pinuntahan ang Jap. Walang nagawa si Jepoy kundi ang bumalik na lamang sa kanilang barracks.  Dalawang oras nang pumasok si Zander sa kanilang barracks at masayang nagkuwento ito na nagsex sila ng Jap sa loob ng shower area. Halos walang naririnig si Jepoy sa kuwento ng buddy at nagyaya na lamang ito na matulog na upang maaga silang magigising dahil mga 10 oras na lang at flight na nila pabalik ng Manila.
  
Pagkagising, halos hindi na umiimik si Jepoy. Sabay na nagbreakfast ang dalawa, ngunit nang makita muli ni Zander ang Jap, iniwanan nito si Jepoy. Bago umalis nang hotel papuntang airport, nag-request pa si Zander kay Jepoy na kunan sila ng picture kasama ang Jap. Masamang-masama ang loob ni Jepoy, ngunit hindi niya ito pinahalata sa kaibigan.

Pagdating sa airport, nagtataka si Zander kung bakit umiiwas sa kanya si Jepoy lalo na’t naunang nag-checkin ito. Habang nag-aantay sa departure lounge, doon nalaman ni Zander na nagseselos pala si Jepoy. Hindi ito inaasahan ni Zander lalo na’t si Jepoy mismo ang nagsalita na ayaw niyang makipag-relasyon kahit kanino.

Ilang araw pagkarating sa Pinas, nagkita uli ang dalawa, tumuloy sa isang motel, nag-sex,  at doon na nagsimula ang kanilang relasyon. Isang relasyon na ang tawagan sa isa’t isa ay “Babylon.”

Sa ngayon, nag-hihingalo ang halos apat-na taong relasyon dahil sa pride at mag-kaibang priorities. Meron pa rin namang komunikasyon at pilit pa ring isinasalba ang masasayang sandali ng kanilang pagsasama at pilit na tanggapin ang anumang pagkakaiba sa isa’t-isa.

Comments